NAGPAHAYAG ng pakikiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa pagpanaw ni His Majesty Sultan Qaboos bin Said mula sa Oman.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ikinalulungkot ng Palasyo at sinserong nakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpanaw ni Sultan Qaboos.
Inilarawan ni Panelo si Sultan Qaboos bilang isang “man of vision” kaugnay sa pamamalakad nito sa Oman.
Gayundin, nagpasalamat si Panelo kay Sultan Qaboos para sa maayos na pakikitungo sa libo-libong Filipino na nagtatrabaho at ikinokonsidera ang Oman bilang kanilang pangalawang tahanan.
Dagdag pa nito, mag-aalay rin ng panalangin ang Pangulo para sa gobyerno at residente ng Oman na nagdadalamhati sa pagpanaw ni Sultan Qaboos.
Comments are closed.