NANANATILING tama ang tinatahak na landas ng sistema ng edukasyon sa bansa.
Ito ang iginiit ng Malakanyang matapos lumabas sa 2018 Programme for International Student Assessment (PISA) na nangungulelat ang mga mag-aaral na Pinoy sa reading comprehension, Science at Mathematics.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, bahagi ng quality basic education reform plan ng administrasyong Duterte ang pasyang sumali sa 2018 PISA.
Layon nitong mabuksan ang mata at isipan ng mga Filipino para makita ang reyalidad sa ranking ng Filipinas sa aspeto ng edukasyon at matiyak na makagagawa ng hakbang para mas mapaganda at mapahusay ito.
Dagdag ni Panelo, tinitingnan ng Malakanyang sa isang constructive at positibong pananaw ang naging resulta ng nabanggit na global ranking testing system.
Tiniyak naman ng Palasyo na ginagawa ng mga kinauukulang opisyal ang lahat para matugunan ang usapin at nakitang mga kakulangan sa sektor ng edukasyon sa bansa. DWIZ882
Comments are closed.