PABOR ang Malakanyang na isapubliko ang listahan ng mga politikong sangkot sa illegal drugs trade sa bansa.
Subalit nilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kailangang maging mapanuri at maghinay-hinay bago maglabas ang mga awtoridad ng listahan ng narco-list bago ang gaganaping midterm elections sa Mayo.
Layunin ng paglalantad ng listahan ay upang mabigyang impormasyon ang publiko sa pagpili ng kanilang ibobotong mga kandidato.
Ayon kay Panelo, bagamat may pangangailangan na ipabatid sa publiko ang mga politikong sangkot sa ilegal na droga ay dapat ding tiyaking beripikado at tama ang ilalabas na listahan.
Dapat umanong may sapat na ebidensiya laban sa mga politikong isasama sa listahang ilalabas ng Department of Interior and Local Government.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi kontra sa paglalabas ng narco-list dahil siya mismo ay naglabas noon ng narco-list kung saan pinangalanan ang mga matataas na opisyal kabilang ang mga heneral na sangkot sa droga. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.