UMAASA ang Malakanyang na maipapadala na ng Kongreso sa Senado ang approved version ng proposed national budget para sa 2021 bago sumapit ang Oktubre 28.
Sa panayam kay Presidential Spokesman Harry Roque ay sinabi niyang ang anumang pagkaantala sa pagpapadala ng proposed national budget ay posibleng mauwi sa pagpapatakbo ng operasyon ng gobyerno sa ilalim ng reenacted budget sa unang bahagi ng taon.
“We thank the House of Representatives for passing the (proposed) budget on third and final reading. But they need to transmit also the soft copy of the budget or the hard copy on or before October 28 (to Senate),” sabi ni Roque.
Ayon kay Roque, base na rin sa pagtaya ng mga senador sa sandaling mabigo na maipadala sa kanila ang proposed budget sa itinakdang date ay posibleng magkaroon ng delay sa pagpapasa nito na maaaring maging sanhi kung bakit kailangang magkaroon ng reenacted budget.
“So, since there is still seven days left before 28, we expect that the House can do it,” dagdag ni Roque.
Ang naganap na sigalot sa pagitan nina House Speaker Lord Allan Velasco at dating House Speaker Alan Peter Cayetano sa usapin ng liderato ng Kongreso ay muntik nang maging dahilan upang mapigil ang pag- aproba ng General Appropriations Bill sa Mababang Kapulungan.
Hindi naman makakapagsagawa ng deliberasyon ang Senado kaugnay sa proposed budget nang hindi natatanggap ang transmittal mula sa Kongreso na siyang itinatakda sa Saligang Batas na ang appropriations bill ay dapat manggaling sa Kongreso. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.