KUMPIYANSA ang Malakanyang sa buong suporta ni dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa mga isinusulong na priority agenda ng administrasyong Duterte.
Sa ipinadalang press statement, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na handa na ang Palasyo na makatrabaho si Arroyo makaraan ang matagumpay na pagkakaluklok sa liderato ng Mababang kapulungan.
“The Palace is eager and ready to work with the new House leadership as we are confident that Speaker Arroyo would put her considerable skills and experience behind PRRD’s (Duterte) agenda,” sabi ni Roque.
“We congratulate Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal Arroyo for becoming the new and 21st Speaker of the House of Representatives” sabi ni Roque.
Ayon kay Roque, nagagalak ang Malakanyang sa pahayag ni Arroyo na prayoridad niya ang mga isinusulong na batas ni Pangulong Duterte mag-ing ang Charter change.
Samantala, nagpaabot ng pasasalamat ang Malakanyang kay dating House Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na nagsilbing House Speaker noong Hulyo 2016 hanggang Hulyo 2018.
“We likewise thank former Speaker Pantaleon Alvarez for his invaluable service to the institution and to the nation” dagdag pa ni Roque.
Si Arroyo ay pormal na idineklara kahapon bilang bagong House Speaker at kauna-unahang babaeng naging lider sa Kamara. EVELYN QUIROZ