MALAKAS NA PAG-ULAN SA LUZON INAASAHAN

PAG-ULAN

NAGBABALA ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na makakaranas ng  malakas na ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin ang ilang bahagi ng Zambales.

Dulot ito ng thunderstorm na maaaring tumagal sa loob ng isa hanggang dalawang oras.

Maliban dito, inaasahan din ang mga biglaang pagbuhos ng ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila, Tarlac, Ca­vite, Rizal, Pampanga, Bulacan at Bataan, sa loob ng susunod na mga oras.

Subalit, nilinaw ng Pag­asa na walang umiiral bagyo sa loob o malapit sa Philippine area of responsibility.

Comments are closed.