MALAKAS NA ULAN KAAWAY NG MGA SASAKYAN

patnubay ng driver

GOOD day, mga kapasada!

Tag-ulan na naman.  Ito ang panahong kinakabahan ang mga kapasada sapagkat itinuturing nila na ito ang pinakamalupit na kaaway ng kanilang minamanehong sasakyan.

Hindi kaila sa mga kapasada na hindi na kailangan  pang muli’t muling iparating sa inyong kaalaman na “rain can be dangrerous” to your trade to earn a living para sa hapag kainan ng isang kahig isang tukang pamumuhay.

Alam ko, mga kapasada, na no need to remind you na tayo ay nakatira at namumuhay sa isang tropical country at batid natin ang harsh reality ng perennial na pagbabaha sa mga pangunahing lansangan na ating tinutugpa araw-araw upang kumita ng ating pang-agdong buhay.

Dahil dito, ipinapayo ng Land Transportation Office (LTO) at ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na “it pays to take extra care in preparing for the rainy weather to avoid any further confusion.  Ika nga, kaligtasan ng bawa’t isa ang umiwas sa ‘di inaasahan.

MGA DAPAT PAGHANDAAN LABAN SA RAINY WEATHER

Sa panahon ng tag-ulan, walang nakatitiyak sa  kaligtasan ng ating mga driver  kundi ang kanila na ring sarili.

Dapat nilang paghandaan ang anumang maaaring mangyari sa panahon ng pagmamaneho kung tag-ulan tulad ng:

1. Suriing mabuti ang kondisyon ng gulong ng sasakyan bago ito ibiyahe.Tiyakin na ang grooves on your tire tread are not merely decorative. The grooves are specifically designed to channel water away from the ‘contact patch’ of rubber that glues your car to the road, ayon sa LTO.

Panatilihin ang tires inflated to the recommended pressure. Ang sobrang hangin sa gulong helps squeeze the water out of the way, sabi ng LTO.

2. Linising mabuti ang windshield ng inyong sasakyan. Kapag natuyo ang tubig na dulot ng ampiyas ng ulan, nag-iiwan ito ng mineral deposits tulad ng duming natuyo kapag hindi kaagad napunasan.

Linisin kaagad ito sa pamamagitan ng malinis na basahan upang maging malinaw ang inyong pananaw at malayo kayo sa posibleng masamang ebentuwalidad na maghahantong sa ‘di inaasahan sa panahon ng inyong pagmamaneho.

3. Give your car a good wash and wax. Huwag ninyong ipalagay sa sarili na useless ang washing the car sa saloobing “what’s the use if it’s going to be dirty again.”

Totoo, ngunit ang mahalaga ay naiiwasan ang pagkakaroon ng spot sa pintura ng sasakyan at sa salamin nito.

Ayon sa isang service center, a good protective layer of wax can help keep those spots from forming, and makes it easier to clean the car pagkatapos umulan.

4. Linisin o kaya ay palitan ang windshield wiper kung kinakailangan. Payo ng mga qualified mechanic, ang windshield wiper ay dapat pinapalitan kada taon.

Ang rubber blades ng windshield rubber blades, ayon sa mekaniko, become dry, nagiging malutong at nagkakaroon ng crack sa paglipas ng panahon na kung minsan ay hindi kayang pawiin ang tubig na kumapit sa salamin ng sasakyan.

Payo ng mekaniko, kung bibili ng ipapalit na wiper blades, tiyaking ito ay original tulad ng pinalitan upang makatiyak na ang bi-niling replacement ay kasing haba at laki at with proper connector clips.

5. Linising mabuti ang windshield washers. Kapag bumara ang water deposits, matatakpan ang maliit na nozzle sa windshield noz-zle.

Madali itong linisin sa pamamagitan ng paggamit ng mapinong pin na magsisilbi ring pang-adjust sa spray pattern. Kung kina-kailangan ay palitan ito upang maiwasan ang totohanang pagkasira.

6. Tsiking mabuti kung mayroong tagas. Ang mga rubber seal sa paligid ng pintuan ng sasakyan, windows, hood, trunk at maging ang taillights ay maaaring ma-degrade sa madaling panahon.

Linising mabuti ang anumang debris na natitipon sa paligid ng seals, and check for leaks and tell take signs ng water pooling in odd blades.

Makabubuti na maayos kaagad ang tagas under taillight while it’s small sa halip na linisin ito kung naglalawa na ito sa tubig ulan.

7. Suriing mabuti ang inyong under carriage. Ang grasa, grit and water pick up mula sa mga splashing through puddles ay maba-bawasan the effectiveness of your brakes. Lubhang kailangan ang mabuting paglilinis if you drive through any dirty standing water.

Maaari ring pumasok ang tubig baha sa mga bitak (crack) o kaya ay maluwag na CV joint boots – ang rubber boots na tumatakip sa constant velocity joints that attach your drive wheels to the transmission.

Kung may mapansing mga maluluwag, tagas o kaya ay squeaking, payo ng mekaniko, ayusin kaagad ito sa lalong medaling panahon upang maiwasan ang masamang consequences.

8. Higpitan ang belt (tighten your belt). Ang mga accessories tulad ng belt, at ang makakapal na rubber bands na attached to the pulleys on the side of your engine, transfer power from the engine to the alternator, air conditioner and power staring system.

Kapag maluwag o sira na ang belts, they can squeal lalo na sa panahong ito ay mabasa. Kung kinakailangan, palitan ito kaagad.

9. Laging maghanda ng emergency kit handy. Lubhang mahalaga ito sa pagbiyahetulad ng phone charger, kapote, tow cable, flash-light na nakakabit na emergency flasher.

Gayundin, kasama sa mga dapat ihandang pang-emergency kit ang jumper cables dahil lubha itong mahalaga sakaling ang baterya ng inyong sasakyan ay mamatay likha ng masamang panahon.

10. Tsiking mabuti ang inyong battery. Bagaman tumatagal ang baterya ng sasakyan sa loob ng limang taon, sa panahon ng tag-ulan ay umiikli ang buhay nito hanggang sa loob ng isa o dalawang taon.

Ayon sa mekaniko, ang malamig na panahon tulad ng tag-ulan ay maaaring magdulot ng stress sa inyong baterya at ang humidity ay maaaring magdulot ng pagkakaroon ng terminal corrosion at minor electrical grounds na maaaring maka-drain sa battery sa loob lamang ng magdamag.

Kung mahirap mag-start ang inyong sasakyan o kung ang ilaw ng inyong sasakyan ay nagdi-dim kapag naka-idle ang andar ng makina o kaya ay kung nagpapamalas ang battery ng senyales ng pagka-iga o bloating, makabubuti na palitan ng bago na ayon sa mga mekaniko aybmakaiiwas kayo ng pagkabalaho ng maraming oras kung kayo ay ma-stranded sa panahon na malakas na pag-ulan.

***Take note***

What can you do to protect yourself at intersections? Street intersections have always been a logical place for traffic accident to happen. Through the years many steps have been taken which have reduced the possibility of intersection collisions: signs, signals, pavement markings, islands, channelization, grad separations, limited access and lately, more and more turnpikes.” ( SOURCE: DEFENSIVE DRIVING LEONARDO BELEN)

LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. HAPPY MOTORING!

Comments are closed.