MALAKAS NGA BA ANG SERBISYONG IBINIBIGAY NG INTERNET NG DITO?

OO. Maganda ang mas maraming kompanya ng telekomunikasyon na namumuhunan sa ating bansa at nagnanais maghatid ng mabuting serbisyo sa mga Pilipino lalo na kung ang pag-uusapan natin ay sa serbisyo ng internet.

Nasa panahon na tayo ngayon na ang internet ay isang malaking bahagi ng buhay ng tao upang makipag-ugnayan sa pamilya, kaibigan, negosyo at makibalita sa buong mundo.

Unti-unti nang nawawala ang tradisyonal na telepono sa bahay. Ang iba nga ay tinanggal na ang linya ng kanilang telepono dahil pareho rin ang naibibigay ng cellphone at computer kapag ginagamitan ito ng internet.

Ang masakit lamang ay nahuhuli pa rin ang Pilipinas sa lakas at bilis ng internet kung ihahambing ito sa ibang bansa. Kaya naman magandang balita ang pagpasok ng Dito Telecommunity Corporation (Dito Tel) sa industriya ng telekomunikasyon sa ating bansa. Umaasa tayo ng ang dagdag kompetisyon ay maitutulak ang dalawang malalaking kompanya sa nasabing industriya para pagandahin ang kanilang mga serbisyo sa kanilang mga customer.

Umugong ang balita na nakapasok ang Dito sa telecommunication industry dahil malakas daw ito sa kasalukuyang administrasyon. Kung totoo man, bigyan natin ito ng tinatawag na ‘benefit of the doubt’.

Para kasi sa akin, kung kaya mo namang gampanan ang hamon ng ipinasok mong negosyo, malaking bagay na may kilala ka. Ganyan talaga ang kalakaran. Huwag na tayong magplastikan dito.

Ngunit minsan, ang kapit sa kapangyarihan ang mas nananaig kaysa sa tunay na layunin at kakayahan ng isang kompanya.

Iniulat ng Dito kamakailan na nakatanggap sila ng pasadong marka mula sa National Telecommunications Commission (NTC) nang maipakita nila ang kanilang kakayahan na makapagbigay diumano ng mabilis na serbisyong internet sa kanilang mga customer.

Ngunit nakababahala na tila nakompromiso ang pamantayan ng NTC nang bigyan nito ng pasadong marka ang Dito. Magkasalungat kasi ang resulta ng pagsisiyasat ng NTC at ng Opensignal na isang kilalang international at independent organization na nag-aaral ng mga kakayahan o kapasidad ng mga telecommunication company sa buong mundo.

Nagbabala ang Opensignal na maaaring mabawasan pa ng customers ang Dito Tel kapag hindi nito naihatid ang ipinangako nitong bilis ng internet.

Ayon sa pag-aaral ng Opensignal sa kapasidad ng Dito Tel sa NCR, Cebu and Davao sa unang 30 araw ng kanilang operasyon, walang pinagkaiba ang bilis ng internet ng Dito Tel kumpara sa mga kalaban nitong kompanya.

Dagdag pa ng Opensignal, ang bilis ng internet ay agad ding sumadsad matapos ang dalawang buwan ng operasyon nito.

Ayon sa Opensignal, ang ganitong pangyayari ay inaasahan para sa isang bagong kompanya, kaya iginiit nito na kailangang bilisan ng Dito Tel ang paglalatag ng kanilang imprastraktura para matumbasan ang pangangailangan ng kanilang mga customer.

Para sa Opensignal, ang pagpasok ng Dito Tel sa industriya ng telekomunikasyon ay maaaring makabuluhan ngunit hindi ito magiging rebolusyonaryo para sa mga customer lalo na kung walang maipakikitang pagkakaiba ang serbisyo nito sa mga kalaban nito.

Dahil sa magkasalungat na ulat sa lakas at bilis ng serbisyong internet ng Dito sa pagitan ng NTC at Opensignal, napapaisip ka tuloy kung dapat bang binigyan ng ‘benefit of the doubt’ ang pagpasok ng Dito sa mahalagang industriya ng telekomunikasyon sa Pilipinas. Nagtatanong lang po.

111 thoughts on “MALAKAS NGA BA ANG SERBISYONG IBINIBIGAY NG INTERNET NG DITO?”

  1. Get warning information here. Long-Term Effects.
    ivermectin 4
    Learn about the side effects, dosages, and interactions. Get warning information here.

  2. Read now. Prescription Drug Information, Interactions & Side.
    https://levaquin.science/# can you buy generic levaquin for sale
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. drug information and news for professionals and consumers.

  3. Learn about the side effects, dosages, and interactions. Get here.
    get clomid
    Learn about the side effects, dosages, and interactions. Actual trends of drug.

Comments are closed.