BULACAN – NAGDULOT ng matinding pag-ulan kanina ang paglabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ng Bagyong Henry.
Sa Metro Manila ay maraming nalubog sa baha partikular sa Quezon City, Malabon at Navotas na dahilan naman ng kanselasyon ng pasok sa eskuwela at maging sa tanggapan ng gobyerno.
Ang Malabon City ay nagmistulang dagat, gayundin ang ilang bahagi ng Caloocan City, Navotas City at Valenzuela.
Habang sa mga post sa social media ay maraming taga-Bulacan ang nagsabing lumubog ang kanilang lugar kung saan ang mga tinukoy ay sa Balagtas at Marilao.
Samantala, 25 barangay sa Pampanga ang napaulat ding lumubog sa baha.
Magugunitang sa Metro Manila ay hindi na pinahintulutan pang magbiyahe ang Philippine National Railways (PNR) dahil malaking bahagi ay baha at lubog ang mga daraanang riles.
Sa bahagi ng Mindanao, partikular sa General Santos City ay lubog din sa tubig. EUNICE C
Comments are closed.