MALAKING GASTOS SA NEW SENATE BUILDING BUBUSISIIN

NAIS  ni Senador Robin Padilla na imbestigahan ang tumaas na gastos sa pagtatayo ng New Senate Building dahil sa pangangailangang panatilihin ang tiwala ng publiko sa Senado.

Inihain ni Padilla ang Senate Resolution 1063 na nag-uutos sa kanyang Senate Committee on Public Information and Mass Media na pangasiwaan ang imbestigasyon bilang tulong sa batas.

“Informing the public of the processes undertaken in the construction of the NSB including the increased costs, is necessary to ensure that the public does not lose its trust in the Senate as an institution,” aniya.

“There is a need to let the public know of the partner contractors if any, and subcontractors of Hilmarc’s Construction Corp.,” dagdag pa ni Padilla.

Matatandaang nagkaroon ng mainitang palitan ng mga salita sina Sen. Nancy Binay at Sen. Alan Peter Cayetano sa pagdinig sa NSB, kung saan naroon din siya.
LIZA SORIANO