NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 8,000 foreign currency na kinabibilangan ng 50 at 100 US dollar bills na itinago sa cooking magazine.
Ayon sa impormasyon nakalap ng pahayagang ito, ang mga naturang halaga ay na-intercept sa loob ng Fedex Warehouse, na ipinadala ng unknown sender sa isang residente ng San Pedro, Laguna galing ng New Jersy USA, at idineklara ito bilang mga “correspondence” o sulat.
Nadiskubre ito matapos ang isinagawang physical examination ng Customs examiner sa harap ng iba pang kawani, at bumungad ang smuggled currency na nakalagay sa bawat pahina ng cooking magazine.
Ang mga foreign currency na ito ay subject for seizure and forfeiture proceedings sanhi sa paglabag ng Section 1400 (Misdeclaration) at 1113 ng R.A. No. 10863 (CMTA) in relation to the R.A. 7653 (New Central Bank Act) at BSP Foreign Exchange Transaction Manual.
Pinaiimbestigahan kung sino ang nagpadala at consignee ng mga dolyar. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.