MALAKING PAGBABAGO IPINAGMALAKI NG PALASYO

Presidential Spokesman Salvador Panelo-4

IPINAGMALAKI  ng Malakanyang ang  mga  pagbabago sa pamahalaan sa loob ng tatlong taong panunungkulan ni  Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa puwesto.

Kahapon, Hunyo 30 ay ang ikatlong anibersaryo ni Duterte bilang ika-16 pangulo ng bansa.

Sa pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi na umano  kailangang tanungin ang record ng Pangulo dahil nakikita  naman ang mga nagawa nitong pagbabago para sa sambayanan.

Ipinagmalaki ni Panelo na  nangangalahati pa lamang ang Pangulo  sa kanyang termino, subalit hindi na mabilang ang mga nagawa nito  partikular ang, pagbuwag sa sindikato ng illegal drugs, ang  pagbaba ng kriminalidad at ang pagsuko ng mga  drug addict.

“The President’s record as the Philippines’ Chief Executive speaks for itself. We join the Filipino people as they celebrate the 3rd anniversary of Mayor Rodrigo Roa Duterte as our country’s 16th President,” pahayag ni Panelo.

Tinutukan din ng Pangulo ang pag-asenso ng bansa lalo’t isa na ang Filipinas sa pinakamabilis ang paglago at paglakas ng ekonomiya dahil sa  mga  pagbabago sa pagnenegosyo sa bansa.

Maraming mahahalagang batas din na ni­lagdaan ang Pangulo na nagpabago sa buhay ng mga Filipino, kabilang  rito ang libreng matrikula sa  state universities and colleges, libreng wi-fi sa mga pampublikong lugar, libreng irigasyon para sa mga magsasaka; feeding program sa mga pampublikong paaralan; universal health care program; libreng gamot para sa mga mahihirap na pasyente; at PhilHealth coverage para sa lahat ng  mga Filipino.

Naaksiyunan din ang pagputol sa “endo” o end of contract na nagresulta para ma-regular ang daan-daan libong mga manggagawa sa pribadong sektor.

Tiniyak ni Panelo na  magpapatuloy ang kampanya ng Pangulo laban sa korupsiyon, ilegal na droga at kriminalidad, habang iniaangat ang buhay ng mamamayan.

“Much has been done in the past three years. The Filipino people can expect the same number of significant achieve-ments, if not more, in the remainder of the President’s term. Even as the majority of the Filipinos are in awe of PRRD’s accomplishments, the best is still to come,” dagdag pa ni Panelo.

One thought on “MALAKING PAGBABAGO IPINAGMALAKI NG PALASYO”

Comments are closed.