MALAMANG na pumapalag na naman ang mga motorista mula bukas dahil pagkatapos ng kapiranggot na tapyas sa presyo noong nakaraang Martes, balik na naman sa dati at muling sisipa pa ang presyo ng petrolyo ngayong linggo.
Narito ang tinatayang taas-presyo sa petrolyo sa simula bukas, Martes:
Diesel — P0.95-P1.05 bawat litro; Gasolina — P0.95-P1.05 kada litro; Kerosene — P0.80-P0.90 bawat litro.
Malaki-laki ang tinatayang itataas sa presyo ng petrolyo sa Mayo 15 pagkatapos ng halalan.
Maglalaro sa P0.95 hanggang P1.05 ang imamahal ng diesel at gasolina.
Ang kerosene naman, maglalaro sa P0.80 hanggang P0.90 kada litro ang magiging dagdag.
Comments are closed.