TINIYAK ni San Jose Del Monte City Rep. Rida Robes ang malaking tagumpay na makakamit nina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr at Davao City Mayor Sara Duterte sa kanilang lungsod sa darating na halalan sa Mayo 9.
Malugod na tinanggap ni Robes, kasama ang asawang si SJDM Mayor Arthur Robes si Duterte sa pagbisita nito lamang Sabado para sa kanyang pangangampanya na “Sara para sa Barangay” kung saan sinalubong siya ng mga lokal at sectoral na opisyal sa Bulacan.
“They will win because in our survey BBM is at 61 percent, Mayor Inday is 53 percent. There is no doubt that they will win because they have the people’s support. You just can feel it and they openly show their support to the Uniteam. More than 80 percent will vote here. They will win overwhelmingly here,” pahayag ni Robes.
Nauna nang nakipagkita si Robes kay Marcos sa kanilang headquarters sa Mandaluyong City noong nakaraang Biyernes kung saan ipinangako ng mambabatas ang buo niyang suporta sa dating Senador na aniya ay mahusay na lider at may magandang kalooban.
“Alam natin kung ano ang kailangan ng tao. You have a good heart. You can really lead the country. All we have to do is support you, to let the people vote for you. For all of us here in our own districts, we have to make this campaign real,” wika pa ni Robes kay Marcos.
Kaugnay nito, sinabi ni Robes na nangako na ng suporta sa BBM-Sara Uniteam ang 12 alkalde sa lalawigan ng Bulacan kung saan 13 sa mga ito ang lumagda pa sa manifesto ng kanilang pagsuporta sina Marcos at Duterte.
Kabilang sa mga lumagda sa manifesto sina Mayors Arthur Robes ng SJDM, Eladio Gonzales Jr. ng Balagtas, Jose Santiago Jr. ng Bocaue, Francis Albert Juan ng Bustos, Ricky Silvestre ng Marilao, Mary Ann Marcos ng Paombong, Roderick Tiongson ng San Miguel, Cipriano Violago Jr. ng San Rafael, Raulito Manlapaz ng Hagonoy, Edwin Santos ng Obando, Russel Pleyto ng Sta. Maria, Narding de Leon ng Angat, Ferdie Estrella ng Baliuag at Vergel Meneses ng Bulakan.