Tanong: Doc Benj, paano po natutulungan ang aking business kung tumutulong po kami sa mga nangangailangan?
Sagot: Sa panahon ngayon ng pandemya at sunud-sunod na bagyo, maraming kababayan ang nangangailangan ng tulong at maraming kompanya ang nag-umpisa ng pagtulong. Bukod sa sinasabing ang pagtulong sa kapwa ay nagiging marketing strategy dahil nakikilala ang kompanya sa pagpapakita ng pangangalaga sa kapwa, mayroon pang ibang magagandang naidudulot ang pag-tulong. Narito ang ilang magandang kadahilanan na tumulong kahit na maliit lamang ang iyong negosyo:
- Motivation sa Employees – Ang pagtulong sa nangangailangan ay magandang example lalo na sa mga empleyado. Makikita ng mga manggagawa mo na mayroon kayong malasakit sa nangangailangan at sila ay gaganahang magtrabaho dahil parte sila ng pagtulong at malaking fulfillment sa kanila ang makatulong kahit na sila ay maliit na manggagawa. Tatanim sa kanilang isipan na ang kompanya ay hindi mang-iiwan at marunong mangalaga. Kapag masaya at panatag ang kalooban ng empleyado ay mas magiging efficient sila sa pagtatrabaho at maisasapamuhay nila ang pagmamalasakit sa kompanya.
- Customers’ Loyalty – Mapapansin ng iyong mga customer ang kabutihan at lalo pa nilang tatangkilikin ang iyong produkto dahil alam nila sa bawat pagbili nila ay may napupuntang bahagi ng kita sa mga nangangailangan. Sa ganitong paraan ay nakabili na sila ng kailangang produkto ay ay nakatulong pa sila. Mararamdaman nilang parte sila ng ginagawa ninyong pagtulong sa kapwa at pahahalagahan ang inyong business. Sila ay mauudyukan na maging loyal sa inyo dahil sa katapatan ninyo sa pagtulong.
- Financial Stability – Marahil iisipin mong gastos lang o kawalan ng kita ang pagtulong sa nangangailangan pero sa tatak-buhin ng panahon, ang pansamaantalang pagkabawas sa kita ay mababawi at lalaki rin dahil sa investment mo sa pagtulong na sa future ay magdadala sa iyo ng mas maraming cutomers. Pansamantalang gastos pero may magandang balik sa future kaya sa pag-tulong ka naglalagak ng kita mo dahil mas tumatag ang kompanya dahil mas nakikilala ng community ang produkto mo at maganda ang maibubunga nito at sa katagalan ay gaganda ang financed ng kompanya. Hindi pansamantalang mga bunga ang habol mo kundi iyong mga pangmatagalan. Magbreak-even ka man lang ngayon, malaking impact sa community ang nagawa mo at tatangkilikin ng tao ang tumanim na produkto ninyo kaya magdudulot ng malaking kita ito sa bandang huli.
- Partnership sa Ibang Kompanya – Ito ay maaaring magbukas ng mga oppurtunities sa inyo ng makakuhang ibang kom-panya na magiging partner sa pagtulong at sa paglago ng inyong negosyo. Magkakaroon ka ng malaking network ng mga busi-nessmen na maaari mong mapakinabangan sa future. Makikita ng iba ang iyong busilak na kalooban at gugustuhin nilang makipagnegosyo sa inyo. Dadami rin ang iyong volunteers at sila ay magiging magandang witness ng company ninyo at ito ay pa-rang libreng promotional activity o marketing campaign.
- Kagalakan sa Pagtulong – Higit sa lahat ay gaganda ang iyong pakiramdam dahil malaking achievement o self-satisfaction ang nagawa niyong pagtulong sa kapwa. Kayo ay naging daluyan ng pagpapala ng Diyos at inyo lamang binabalik ang kaluwala-hatian sa ating Maylikha. Hindi matutumbasan ng anumang halaga ang legacy na naisasapamuhay ninyo kaya napaka-rewarding ang pagtulong at lalo ka pang pagkakatiwalaan ng malalaking biyaya kung marunong kang mamahagi sa iba. Ika nga nasusukat ang tunay na yaman ng buhay hindi sa iyong halaga ng naipon kundi sa halaga ng iyong naipamahagi.
Ilan lamang ito sa mga mabuting naidudulot ng pagtulong ng inyong business sa ating mga kababayang nangangailangan. Tu-mulong, makipagtulungan at matutulungang lumago ang iyong business. Mayroong pangmatagalang bunga ang pagtulong kaya nga naman ang mga malalaking kompanya ay may mga kani-kaniyang corporate social responsibility, foundation o ano pa mang paraan ng pagtulong.
Nawa ay nakatulong itong ating payo sa pagnenegosyo at mamulat pa tayo sa mas malalim na pag-unlad. Para sa ilan pang katanungan, maaari ninyo akong ikonsulta, i-email ninyo ako sa [email protected].
Si Doc Benj ay isang consultant sa business, professor at CPA.
Comments are closed.