MALALAKAS NA URI NG ARMAS AT PAMPASABOG NADISKUBRE

armas

CAGAYAN- IBA’T IBANG uri ng malalakas na pampasabog at mga armas ang nadiskubre ng mga awtoridad matapos ituro ng isang residente ng Barangay Mabuno, Gattaran ng lalawigang ito ang kinalalagyan nito.

Ang nadiskubreng mga armas ay kinabibilangan ng m16 rifle, apat na shotgun, grenade rifle, apat na bala ng mortar, mga granada, maraming bala, blasting caps para sa IED handheld radio at ammonium nitrate na ginagamit sa paggawa ng mga pampasabog na nakalagay sa plastic tube.

Habang may nakuha rin watawat ng New Peoples Army (NPA) at ginagamit na propaganda tulad ng leaflets at mga damit ng pambabae na pinaniniwalaang gamit ng mga amasona na kanilang na recruit sa kilusan.

Ayon sa pamunuan ng 5th Infantry (Satar) division Philippine Army, posible umano na ang Eastern Committee ng Probinsiya (ECP) ang siyang nagtago ng mga nadiskubreng armas at pampasabog.

Nauna rito, may nasamsam din ang mga awtoridad na mga armas sa San Mariano, Isabela na pinaniniwalaang itinago rin ng mga makakaliwang kilusan. IRENE GONZALES

Comments are closed.