NAGSASAMA-SAMA ang iba’t ibang grupo ng Democratic Independent Workers Association party-list para ipakita ang buong suporta sa hanay ng manggagawa.
Kabilang dito ang Philippine Association of Detective and Protective Agency Operators (PADPAO), kalalakihan lay ng Iglesia Filipina Independiente, Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), Police Hotline Movement (PHMI), Bantay Bayan Foundation Philippines, Citizens Crime Watch at Federation of People’s Alliance Nationwide.
Pinangungunahan ni dating Chief Philippine National Police General Edgar B. Aglipay ang DIWA Partylist.
Lubos ang suporta ng grupo dahil sa tagumpay ng DIWA na ipasa ang mga pangunahing batas na kailangan ng mga manggagawa tulad ng batas kasambahay, expanded maternity leave law, occupational health and safety standard law, mental health law, magna carta of day care workers, at iba pa.
Patuloy rin na isusulong and anti-contractualization o security of tenure, magna carta of Filipino seafarers, at magna carta of BPO workers.
“Ito ang mga batas na kailangan ng manggagawa upang sila ay mabigyan ng seguridad sa trabaho at nararapat na matanggap na benepisyo,” pahayag ni Aglipay.
Comments are closed.