WALANG magawa sa loob ng bubble itong si Ryan Arana ng Rain or Shine. Habang naghihintay ang 12 teams sa pagbabalik ng PBA bubble games ay gumawa na naman ito ng kalolohan. Dahil Halloween ay nag-costume ito ng SADAKO. Pinuntahan ang kuwarto ng ilang teammates niya at mga kaibigan niyang players.
Si Jonathan Grey ng NorthPort Batang Pier ay napatalon sa kama sa sobrang takot nang makita si Arana na buong akala niya ay multo Ha-bang ang teammate nitong si Norbert Torres na pupunta sana sa CR ay naitulak si ‘SADAKO’ at sa nerbiyos ay napaupo. Ang mas nakakatawa ay si Raymond Almazan ng TNT KaTropang Giga na muntik nang maupakan si Ryan sa sobrang takot. Muntik na itong atakihin sa puso at panay ang himas sa kanyang dibdib. Marami-rami ring players ang natakot ni Arana. Sayang madilim ang ibang kuha kaya ‘di makilala. May isang player na napaupo sa gilid ng kama niya sa takot, akala ay multo talaga ang kanyang nakita.
Hindi nga magkakaroon ng COVID-19 ang mga player pero aatakihin naman sa puso kapag nakakita ng multo. Mga takot pala ang mala-laking tao sa multo.
@@@
Nagsimula nang sumama sa ensayo si Thirdy Ravena sa kanyang team na San En NeoPhoenix. Tapos na ang kanyang 14-day quarantine kung saan dumating ang dating star player ng Ateneo sa Japan noong October 15. Nakatakda siyang maglaro sa November 7. Umaasa ang fans ng NeoPhoenix na makakaahon ang team sa 1-9 record. Sa huling laro ng San-En ay nanalo sila kontra Kyoto Hannaryz, 94-75, dahil sa tulong nina Stevan Jelovac at Hunt. Good luck sa team at kay Ravena.
o0o
Pagkatapos kanselahin ang ilang araw na laro sa PBA bubble ay magbabalik na ito bukas, Nob. 3. Katunayan, kahapon ay nagsimula nang magsipag- practice ang mga team upang paghandaan ang kanilang pagbabalik-laro. Lalo umanong magiging mahigpit ngayon ang health proto-cols ng PBA sa mga team at player. Sana ay huwag nang maulit na may matamaan ng COVID-19 sa bubble para naman magtuloy-tuloy ang liga at makapagtapos sila ng isang conference.
o0o
Nagpaalam na rin si Terrence Romeo sa PBA bubble matapos na madale ito ng injury kung saan na-dislocate ang kanyang kaliwang balikat. Sayang kung kailan pa naman siya kailangan ng San Miguel Beer ay saka pa siya nawala. Malaking bagay si Romeo sa team, wala na nga si June Mar Fajardo ay nawala pa siya. Sana nga ay wala nang mabawas na player kay coach Leo Austria para naman may laban pa rin sila sa bubble.
Sasandal pa rin ang Beermen kina Arwind Santos, Marcio Laciter, Chris Ross, Alex Cabagnot, MO Tautuaa, Paul Zamar, rookie Wendel Comboy, at iba pa.
Comments are closed.