NAGBABALA ngayon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa netizen hinggil sa talamak na random tagging sa social media partikular sa Facebook kaya’t hiling na huwag i-click ang anumang malalaswang video link na natatangap.
Ito’y matapos tumataas ang bilang ng mga nagrereklamong netizens at pagbaha ng sumbong sa pamunuan ng FACEBOOK dahil sa mga random tagging.
Nabatid na dumarami ang mga netizen ang nakaranas na tina-tag sila sa malaswang video mula sa hindi naman nila friend o hindi kilalang tao.
Kaugnay nito, inatasan ng PNP ang kanilang cyber crime unit na pag aralan ang posibleng masamang epekto nito sa netizens at kung may mga batas nilalabag .
Ayon kay PNP Spokesman Police BGen Rolando Olay, posibleng makompormiso ang personal information ng mga taong nag-click ng video o kaya ay mapasukan ng virus ang kanilang mga system.
Kaya’t paalala ng PNP, sa kapag na-tag sa malaswang video ay agad itong i-report sa Facebook kaugnay sa paglabag nito sa community standard. VERLIN RUIZ
798334 854414Normally I do not read article on blogs, nevertheless I wish to say that this write-up very forced me to take a look at and do so! Your writing taste has been amazed me. Thanks, extremely excellent post. 385954
434985 752289Actually your creative writing abilities has inspired me to get my own site now. Really the blogging is spreading its wings fast. Your write up is a good example of it. 125321