MALAMIG NA PANAHON ASAHAN HANGGANG MARSO

Amihan

ASAHAN ang malamig na panahon hanggang sa kalagitnaan ng buwan ng Marso.

Ayon sa PAGASA, ito ay dahil pa rin sa umiiral na amihan.

Samantala, bumagsak kahapon ang temperatura sa Baguio City sa 9.4 degrees celsius na siyang naitalang pinakamababang temperatura sa lungsod ngayong taong 2020.

Sa kasaysayan, puma­lo sa 6.3 degrees celsius ang pinakamalamig na temperatura na naitala sa Baguio City noong January 18, 1961. DWIZ 882