ILANG araw na mararamdaman sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ang mababang temperatura o malamig na klima.
Ang bahagyang mababang temperatura ay maaring maramdaman hanggang sa Sabado bunga ng northeast monsoon o amihan.
Sa pagtataya ng PAGASA, 24 hanggang 32 degrees Celsius, ang maaring maitalang temperatura sa Metro Manila.
“Asahan natin ang fair weather condition sa Thursday na sasamahan lang ng mababang tiyansa ng pag-ulan pagsapit ng hapon. Sa umaga at tanghali ay mostly cloudy skies naman, so hindi ganoon kainitan,” ayon kay senior weather specialist Benison Estareja.
Natala ang temperatura kahapon sa mga lugar sa bansa katulad ng sa Baguio City: 16 – 26 degrees Celsius,Laoag City: 24 – 32 degrees Celsius, Tuguegarao: 23 – 32 degrees Celsius, Legazpi City: 25 – 32 degrees Celsius, Puerto Princesa City: 26 – 32 degrees Celsius, Tagaytay: 22 – 30 degrees Celsius, Kalayaan Islands: 25 – 32 degrees Celsius, Iloilo City: 26 – 32 degrees Celsius, Cebu: 25 – 31 degrees Celsius, Tacloban City: 25 – 31 degrees Celsius, Cagayan De Oro City: 25 – 32 degrees Celsius, Zamboanga City: 24 -32 degrees Celsius, Davao City: 24 – 31 degrees Celsius.