MALAMPAYA FUNDS GAMITIN SA HEALTHCARE, MILYON-MILYON PA ANG NATITIRA SA PONDO – SOLONS

MALAMPAYA

BILANG tugon sa panawagan ng Kongreso na maghanap ng  karagdagang pondo upang maiangat ang kalidad ng public healthcare sa bansa, ipinanukala ng  ilang kongresista ang paggamit ng bahagi ng Malampaya funds bilang pondong pangkalusugan.

Inihain nina Reps. Eric Pineda at Virgilio Lacson, na mga miyembro rin ng House Health Committee, ang House Bill (HB) No. 7800, na inirerekomenda ang pag-amyenda ng Presidential Decree (PD) No. 910 upang payagan ang Kongreso na ilaan ang bahagi ng Malampaya funds at ng iba pang oil exploration projects para sa upgrading ng healthcare system sa bansa, lalo na sa panahong ito ng pandemya.

Sa ilalim ng 10-point socio-economic agenda ng pamahalaang Duterte, ang public-private partnerships (PPP) ay isang mahalagang paraan upang mapabils  ang infrastructure development. Binanggit sa HB 7800 bilang halimbawa ang Malampaya na maaaring pagkunan ng pondo para sa pagpapalakas ng public health care system. Ang Malampaya ay isa sa mga maituturing na matagumpay na PPP project sa bansa.

Ayon kay 1Pacman Partylist Rep. Pineda, chairman din ng House committee on labor and employment, “Napakayaman ng Filipinas sa natural resources. Sa katunayan, tayo ang may pinakamalaking supply ng natural gas sa mundo. Nariyan ang Ligwasan Marsh sa Mindanao, at marami rin tayong natural gas sa Sulu.”

“Kaya napakahalaga ng mga proyekto tulad ng Malampaya, habang natigil ang ibang developments dahil sa pandemya,” dagdag ni Pineda. “Kailangan muna nating sagipin ang ating mga kababayan at magtayo ng sapat na healthcare facilities para sa mga nagkasakit [ng COVID-19]. Makatutulong dito ang paghanap ng iba pang sources ng natural gas.”

Sa kasalukuyan, hanggang 30 porsiyento ng energy requirements ng buong Luzon ang galing sa Malampaya. Marami ring ibang tulong ang proyektong ito sa bansa, tulad ng  pagpapababa ng oil imports, paghatid ng walang patid na supply ng malinis na koryente, at pag-akyat ng pondo mula $800 milyon hanggang $1.1 bilyon bawat taon.

Ang license to operate ng Malampaya ay hanggang 2023 na lamang. Ayon kay Pineda, “Mayroon pa tayong hindi nakukuha na P23 milyong pondo galing sa Malampaya. Kailangan nating amyendahan agad ang PD 910 dahil may dalawang taon na lang tayo upang magamit ang Malampaya fund.”

Naging lalong mahalaga ang pagkalap ng pondo  para sa health budget ng bansa dahil sa mga hamong kinakaharap  nito. Ang PD 910 ay ginawa upang magamit ang energy exploration at development para sa kapakanan ng bansa.

Kasunod ng tagumpay ng Malampaya sa kanilang proyekto, iginiit ng Kongreso na kailangang dagdagan pa ito ng iba pang exploration projects.

Ani Manila Teachers Partylist Rep. Lacson, na chairman din ng House committee on micro, small, and medium enterprise development, “Patuloy ang exploration ng Philippine National Oil Company (PNOC) sa West Philippine Sea. Ito ay katunayan na may sapat tayong oil resources na magagamit, hindi lamang para sa ating gpower needs, kundi upang pondohan ang kinabukasan ng bansa.”

Ayon sa World Health Organization, malamang na magpatuloy ang kasalukuyang global heath crisis sa mga darating na taon. Dahil dito, kailangan ng mga bansa na palakasin pa ang kanilang sistema ng healthcare upang matugunan ang krisis ng COIVD-19 nang matagalan.

Para sa Filipinas, ang sariling oil at natural gas resources nito ay ang maaaring susi upang magampanan ito.

“Ang teknolohiya sa exploration ay gumanda na sa mga nakaraang taon,” ani Lacson. “Maaaring pahabain pa ang Malampaya, depende sa desisyon ng Department of Energy (DOE).”

“Nasa DOE na rin ang pagsuporta ng karagdagang exploration efforts,” dagdag niya.

6 thoughts on “MALAMPAYA FUNDS GAMITIN SA HEALTHCARE, MILYON-MILYON PA ANG NATITIRA SA PONDO – SOLONS”

  1. 8 689559The subsequent time I read a weblog, I hope that it doesnt disappoint me as a good deal as this one. I mean, I know it was my option to read, but I truly thought youd have something attention-grabbing to say. All I hear is a bunch of whining about something which you possibly can repair ought to you werent too busy on the lookout for attention. 885356

  2. 526735 882423This site is really a walk-through it actually may be the details you wanted concerning this and didnt know who to inquire about. Glimpse here, and youll definitely discover it. 186610

  3. 993003 844579Hello! Ive been following your weblog for a even though now and lastly got the courage to go ahead and give you a shout out from Kingwood Texas! Just wanted to mention maintain up the good work! 211581

Comments are closed.