ALBAY- NAGPALABAS ang Department of Health (DOH) ng health advisory upang tulungan ang publiko sa paghahanda sa posibleng maging panganib sa kalusugan na epekto ng ash fall mula sa Bulkang Mayon.
Ayon sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ay dulot na rin ng muling pagbuga ng abo mula sa nasabing bulkan.
Inirerekomenda ng DOH ang iba’t ibang hakbang sa kaligtasan bilang tugon sa mga aktibidad ng bulkan.
Pinayuhan ang mga residente na malapit sa Mayon Volcano na iwasang magbukas ng mga pinto at bintana o gumamit ng makapal na kurtina para mabawasan ang pagpasok ng mga ash particles.
Binigyang-diin din ang pangangailangan ng paggamit ng mga face mask o iba pang panakip sa mukha upang maprotektahan ang bibig at ilong na makalanghap ng abo.
Kasama sa mga angkop na alternatibo ang mga surgical o medical mask at dust mask.
Pinaalalahanan din ng DOH ang mga taong may taghlay na karamdaman gaya ng hika at allergy na panatilihin ang sapat na supply ng ineresetang gamot at sundin ang lahay na rekomendasyon ng kanilang mga doktor upang makaiwas sa anumang sakit na dulot ng ask paticles na ibinunuga ng bulkang Mayon. EVELYN GARCIA