ANG mga pribadong sektor ay naghahanda na mag-angkat ng mga bakuna para sa kanilang mga empleyado laban sa Covid-19. Maliban sa kanilang mga empleyado, bukas din sila para sa mga miyembro ng pamilya ng kanilang mga manggagawa na maging benepisaryo ng nasabing bakuna.
Pinayagan na kasi ng IATF ang mga pribadong mga kompanya na bumili ng mga nasabing bakuna upang makatulong sa mabilis na immunization ng ating mga kababayan laban sa Covid-19. Ayon sa mga balita, darating na ito sa mga susunod na buwan.
Ang ating mga LGU ay nag-angkat na rin upang ipamahagi sa kanilang mga consitutuent. Kailangan lamang magparehistro sa kanilang barangay upang mabakunahan sila.
Ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay gumawa rin ng programa tulad sa pribadong sektor. Bumili sila ng 50,000 doses ng bakuna na Astrazeneca para sa mga empleyado nito.
Ayon kay MMDA Assistant General Manager for Finance and Administration Atty. Romando Artes, isinama nila sa bilang ang mga kamag-anak ng kanilang mga empleyado. Maaring magsama ng dalawang kaanak ang empleyado ng MMDA upang mabakunahan. Ngunit ang mga manggagawang MMDA ang dapat mabakunahan muna. Malinaw na mahalaga sa MMDA ang kanilang empleyado. Hindi po pribadong sektor ang MMDA ha?
Dagdag pa ni Atty. Artes na 570 ng sa kanilang mga empleyado, partikular ang mga senior citizen at nabibilang sa grupo na comorbidity ang nakatanggap na ng bakuna noong nakaraang linggo bilang bahagi ng programa ng gobyerno. Naganap ang mga bakuna sa MMDA grounds sa Makati City. Ang pag-una sa mga nakatatanda at mga taong nasa grupo na comorbidity ay naaayon sa patakaran ng ating pamahalaan sa pagbabakuna. Dagdag pa ni Atty. Artes na may sapat silang bakuna para sa kanilang 5,000 empleyado.
Tinatarget ng MMDA itaas ang bilang na pagbabakuna sa kanilang mga empleyado sa linggong ito. Nag-umpisa sa 200 at itataas ito sa 300 kada araw. Ang unang sigwada ng bakuna sa MMDA ay naganap sa pagitan ng Abril 14 at 16.
Walong tao na ang namatay dahil sa COVID-19, kabilang ang dating chairman Danilo Lim. Kasalukuyang may mga 100 aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga manggagawa ng MMDA. Ang kasalukuyang chairman ng MMDA na si Benhur Abalos ay nagdadalamhati rin sa pagkawala ng kanyang ina sanhi ng COVID-19. Matatandaan na tinanggap ni Abalos ang posisyon na chairman ng MMDA, bilang hamon sa pagtulong niya na maibaba ang bilang ng kaso na tinamaan at namamatay ng nasabing virus. Isa itong pangako ni Chairman Abalos matapos na mabiktima nito ang kanyang ina. Sabi nga ni Pangulong Duterte, “Once again, let me stress that aside from the proper health protocols, it is only through vaccinations that we can solve this dreadful pandemic”.
Saludo ako sa programa ng MMDA sa pagbili ng karagdagang bakuna laban sa COVID-19. Maganda yata ang pamamalakad ng nasabing ahensiya na maaring maihambing sa pribadong sektor.
593085 516637I gotta bookmark this web site it seems really beneficial . 821862
401012 468961Hello. exceptional job. I did not anticipate this. This is a splendid articles. Thanks! 531142
773469 701256Some truly marvelous function on behalf with the owner of this web website , dead fantastic articles . 347622
43356 891148Intending start up a enterprise about the web involves revealing marketing plus items not only to females locally, however somehow to several buyers who are web-based as a rule. e-learning 938858
The assignment submission period was over and I was nervous, casino online and I am very happy to see your post just in time and it was a great help. Thank you ! Leave your blog address below. Please visit me anytime.