CAMP AGUINALDO – SA panimula ng RP-US Balikatan 2019 na ginanap sa Armed Forces Officers Club sa kampong ito, sinabi ni AFP chief of staff Gen. Benjamin Madrigal higit na mas malaki at malawak ang saklaw ng joint military exercise ngayong taon.
Ito ay dahil umano sa tawag ng panahon at mga makabagong kaalaman na mainam na mapag-aralan ng mga sundalo ng magka-alyadong bansa.
Nabatid na aabot sa mahigit 7,000 sundalo mula sa Filipinas at United States Armed Forces ang sasama sa 35th Balikatan iteration bukod pa sa 60 kinatawan ng Australian military.
Kabilang sa mga aktibidad ngayong taon ang HADR o humanitarian assistance and civic action event, command exercise; table top or simulation exercise, interoperability of structures and processes, at tampok dito ang amphibious landing, at territorial defense scenarios.
Nagpahayag naman ng paghanga si US Ambassador to the Philippines Amb. Sung Kim sa mga opisyal ng U.S at Philippine military sa pag-aaral at paglalatag ng mga senaryong gagamitin sa sabayang pag-sasanay ngayong taon dahil kinailangan ng maraming buwan ng pag-aaral para matiyak na magiging maaayos ang mga ilalatag na pagsasanay. VERLIN RUIZ
Comments are closed.