MALAWAKANG BALASAHAN SA PNP

INAASAHAN na ang malawakang balasahan sa mataas na hirerkiya ng Philippine National Police (PNP) bunsod ng nakatakdang pag­reretito ng ilang top key officials ng pulisya.

Partikular na inantabayan ang magaganap na changing of guard sa PNP dahil sa pagreretiro sa serbisyo si PNP Chief Gen. Debold Sinas sa darating na May 8,2021.

Bago ang inaasahang galawan sa top key positions ng pambansang pulisya ay nakatakdang magretiro ngayong buwan sina PNP Deputy Chief for Operations at kasalukuyang Commander ng JTF Covid Shield Lt Gen. Cesar Hawthorne Binag sa darating na Abril 24.

Si PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana ay magreretiro rin sa serbisyo sa darating na Abril 20.

Sinimulan nang ipa­tupad ang balasahan kahapon at apektado rito ang may 23 opisyal ng PNP organization kabilang ang 13 heneral at siyam na police colonel.

Unang naapektuhan ng ipinatupad na reshuffle si MGen. Emmanuel Licup na pinalitan sa kaniyang puwesto bilang Directorate for comptrollership at hinalinhan siya ni BGen Rodolfo Azurin Jr mula sa Directorate for Information, Communication and Techonology Management (DICTM).

Si Licup ay nakatakdang magreretiro sa darating na Abril 9.

Pinalitan din sa puwesto si BGen R’win Pagkalinawan bilang Regional Director ng PRO CORDILLERA at hina­linhan ni P/BGen. Ronald Lee mula sa PDEG.

Itinalaga naman bilang bagong Director ng PDEG si PBGen Remus Medina.

Inalis din sa puwesto bilang PRO-BAR regional police director si BGen. Samuel Rodriguez at pinalitan siya ni BGen. Eden Ugale.

Apektado rin ng balasahan ang ilang mga deputy chief sa iba’t ibang National Administration at Operations Unit ng PNP at mga Police Regional Offices gaya ni Col. Salvador T Alacyang na hepe ng PNP-Anti Kidnapping Group na inilipat sa PNP-Police Regional Office 8. VERLIN RUIZ

One thought on “MALAWAKANG BALASAHAN SA PNP”

Comments are closed.