MALAWAKANG INFORMATION DRIVE SA COVID-19 VACCINE ISAGAWA

BULACAN-NANAWAGAN si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes sa Inter- Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) na magsagawa ng malawakang information campaign ukol sa magkakaibang COVID-19 vaccines.

Ang pahayag ni Robes ay ginawa sa layuning maibsan ang pangamba at mabawasan ang maraming katanungan kaugnay sa kaligtasan at epektibo ng iba’t ibang bakuna na kasalukuyang ibinibigay sa ibang bansa.

“There is too much information that our countrymen are getting confused and anxious about getting the vaccine. The government, particularly the IATF, should go on a massive information drive to give the real score on the vaccines and the vaccination program that soon will be rolled out when we have the vaccines,” ayon kay Robes.

Si Robes, na chairman ng House Committee on People’s Participation, ay nakipag-ugnayan sa mga international pharmaceutical companies na nangunguna sa paggawa ng bakuna kasama ang Philippine health officials para mapabilis na mapangasiwaan ang pag apruba sa Covid-19 vaccine sa Pilipinas.

Tinukoy ni Robes na nakausap niya ang maraming mga tao ss kanyang Distrito na nagpahayag ng kanilang pangamba sazpagkuha ng bakuna dahil sa mga katanu­ngan sa kanilang kaligtasan at pagiging epektibo nito.

“Initially they wanted to get the vaccine but with the many information that they get from social media that many we know are not true, they are now having second thoughts. We should allay their fears through a massive information drive that will go all the way to the grassroots,” wika pa ni Robes.

Nagpahayag din naman ng kumiyansa si Robes na pipiliin nng Administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na napatunayang ligtas at epektibo.

“I know that they have the best interest of the Fi­lipino people at heart. It’s just that there is just a lot of disinformation. They should work to allay our fears and assure us that the vaccines that will be chosen are safe and efficient as well as cost-effective for us Filipinos,” diin pa ni Robes.

Comments are closed.