MALAWAKANG PAGBAKUNA VS TIGDAS SINIMULAN SA FAST FOOD CHAIN

bakuna-3

UNANG  tinarget ng Department of Health (DOH) ang mga fastfood chain sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), sa pagsisimula ng kanilang mass immunization activity sa rehiyon.

Nabatid na unang sinuyod ng DOH ang mga fastfood chain sa Biñan, Laguna, kasama ang lokal na pamahalaan para magsagawa nang pagbabakuna dahil doon naitala ang pinakamaraming bilang ng kaso ng tigdas.

Mismong sina DOH Regional Director Eduardo C. Janairo at Biñan City Mayor Arman R. Dimaguila, Jr., naman ang nanguna sa isinagawang ceremonial measles immunization at pagbibigay ng oral polio vaccine sa mga batang nasa edad anim na buwan hanggang anim na taon.

“This is an initiative of the city government of Binan and we are pleased that they were the first to implement this activity in support of our national government’s call for a massive immunization of children ages 5 months to 6 years old to further prevent the increasing number of measles and to bring down the cases not only in Calabarzon  but the whole country as well,” ayon kay Janairo sa ginanap na pagbubukas ng  vaccination center sa isang fastfood chain na matatagpuan sa Barangay Sto. Domingo, Biñan.

Batay sa datos, mula Enero 1 hanggang Pebrero 9, 2019 ay umabot na sa 94 ang kaso ng tigdas sa Biñan, kabilang ang tatlong nasawi.

“We will provide assistance to all LGUs of the province in support of the on-going mass immunization campaign against measles to ensure that all the children at risk will be vaccinated and given proper protection,” paniniyak ni Janairo.

Ipinaliwanag pa niya, ang dalawang dose ng measles vaccine ay 97% epektibo para mapigilan ang tigdas habang ang isang dose ay  93% epektibo.

Idinagdag pa ni Janairo na ang measles vaccine ay libre at ligtas at pinaka-epektibong panlaban sa tigdas.

Una nang nagdeklara ang DOH ng outbreak sa Calabarzon, gayundin sa National Capital Region, Central Luzon at Western at Central Visayas. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.