CAGAYAN-IGINIIT ng pamunuan ng Cagayan Valley Industry Development Council (CVIDC) na ang panahon para ilunsad ang malawakang pagtatanim ng kawayan.
Ayon kay Dr. Samuel Garcia, chairman ng CVBIDC, layon nito na pagtuunan ng pansin ang pagtatanim ng kawayan na itinuturing na “tree of life” sa Region 2 na madalas na problema ang pagbaha.
Aniya, hindi na dapat na hintayin na makaranas ang lambak ng Cagayan ng mas matinding kalamidad tulad ng mga pagbaha bago kumilos.
At sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA). Department of Science and Techonolgy (DOST) at State Universities ay nag-organisa ng isang council kasama ang mga gobernador ng Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya at maging ang gobernador ng Batanes.
Kaya’t bilang panimula sa pagtatanim ng mga kawayan ay namahagi ng 2,000 na seedling para sa rehabilitation drive. IRENE GONZALES
Comments are closed.