MALAYSIA NAKAPAGTALA NG UNANG KASO NG MPOX CLADE II

Nakapagtala  ang Malaysia ng unang kaso ng mpox clade II variant ngayong taon.

Ang  pasyente ay isang lalaking may travel history ilang linggo bago makaramdam ng sintomas ng mpox.

Setyembre 11, nagsimulang makaramdam ng mga sintomas ang naturang pasyente tulad ng lagnat, pananakit ng lalamunan, pag-ubo, at pananakit ng kalamnan. Agad siyang dinala sa ospital sa sumunod na araw matapos siyang makitaan na ng mga pantal.

Noong nakalipas na taon ay mayroon nang isang na pasyenteng nakumpirma sa naturang sakit.

Idineklara ng World Health Organization (WHO) ang mpox bilang public health emergency of international concern matapos matuklasan ang mabilisang pagkalat ng sakit.