BULACAN – KALABOSO ang isang Malaysian at isang binatilyo dahil sa pang-aabuso at panghahalay sa magkahiwalay na insidente sa bayan ng Meycauayan ang naaresto sa pang-abuso sa kanyang kinakasama sa bayan ng Balagtas, samantalang isang binatilyo ang dinakip sa panggagahasa sa kaibigang dalagita sa Meycauyan City, kapwa sa Bulacan.
Ayon kay PCol. Chito Bersaluna, dinakip ng Balagtas Police si Bryan Kung, 26-anyos, Malaysian national, dahil sa paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Law.
Inaresto naman ng Meycauyan City Police ang suspek na itinago sa pangalawang Randy sa panggagahasa kay alyas Riza, 15, sa Brgy. Pandayan, Meycauayan City noong nakaraang Mayo 30.
Sinampaha ng mga kaukulang kasong kriminal sina Kung at alyas Randy sa Provincial Prosecutors Office, sa Malolos City, Bulacan. A. BORLONGAN
Comments are closed.