MALAYSIAN HINOLDAP NG TAXI DRIVER

TAXI-HOLDAP

PASAY CITY – NA­ARESTO ng pulisya ang 61-anyos na taxi driver na senior citizen matapos mangholdap ng isang dayuhan sa lungsod na ito.

Kinilala ang suspek na si Jose Sajul, na residente ng 29 Engineering St., GSIS Village Sangandaan Quezon City, habang ang biktima ay kinilalang si Tse Chea Kon, 22-anyos, Malaysian, IT Programmer, nakatira sa 44B Shore Residence Seaside Blvd., MOA Complex Pasay City.

Ayon sa ulat, dakong alas-3 ng hapon ng sumakay ang biktima sa taksi ng suspek sa  EDSA Extension at ‘di pa nakakalayo ay tinutukan ito ng patalim at nagdeklara ng holdap at kinuha ang pera nito na nagkakahalaga ng P6,000.

Matapos ang insidente ay nagpatuloy sa pag pasada ang suspek hindi alintana na ini-report na siya ng biktima sa mga pulis at pinaghahanap sa ikinasang follow-up ope­ration hanggang matiyem­puhan at makorner sa Pacific Drive, corner Marina way, SM MOA, kung saan narekober sa kanya ang patalim na ginamit sa pangho-holdap.

Positibong itinuro ng biktima ang taxi driver na siyang humoldap sa kanya sa EDSA Extension, sa kanilang paghaharap sa es-tas­yon ng pulisya  kung saan nahaharap ang suspek sa kasong robery holdup at paglabag sa BP6 in relation to RA 166.  BENJARDIE REYES

Comments are closed.