SULU – NASAWI rin ang Malaysian kidnap for ransom victim na na-rescue ng militar matapos barilin ng mga Abu Sayyaf habang tinatakasan sila sa lalawigang ito, sa ulat ng Western Mindanao Command.
Ayon kay WesMinCom spokesperson Col. Gerry Besana, nalagutan ng hininga ang kidnap victim na si Jari Bin Abdullah nang tamaan ng punglo nang magtangka itong tumakas sa kasagsagan ng military rescue operation.
Napag-alamang mula nang maisalba ay nanatili na ito sa Intensive care unit at nabubuhay na lamang sa pamamagitan ng life support.
Matapos na lumagda sa waiver ang pamilya ni Abdullah na tanggalin na ang life support nito ay idineklara ng mga doktor ang pagkamatay nito kamakalawa ng hapon.
Kasama ng pamilya nito sa pag-witness sa ospital ang Malaysian Consul General at ilang opisyal ng International Monitoring Team. VERLIN RUIZ
Comments are closed.