QUEZON CITY – ISINUPLONG ng isang Chinese ang isa pang dayuhan na Malaysian na nagnakaw ng halagang P3,300,000 sa Barangay Bagumbayan.
Sa sketchy report, nakilala ang suspek na si Low Peng Heing, 35-anyos, Malaysian, empleyado ng GEGAC Inc. bilang interpreter at nakatira sa nasabing barangay.
Ang biktima naman na si Zhan Qizhi, 25-anyos, Chinese, supevisor ng GEGAC Inc. at nakatira sa Barangay White plains.
Ayon sa kay Qizhi, ang perang binigay niya sa suspek ay pambayad sana nila sa upa ng condominium, ngunit hindi ito ibinayad ni Heing.
Qualified theft ang kahaharaping kaso ng Malaysian na ngayon ay nasa kustodiya ng QC Police. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.