PARANAQUE CITY-HINULI ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang Malaysian dahil sa bitbit na P1.1 milyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Biyernes ng gabi.
Sinabi ni Airport Customs District District Collector Carmelita Talusan si Gan Kang Hsiung, 31-anyos, ay dumating 8:30, Biyernes ng gabi, sakay ng Air Asia Flight Z2 502 mula Kota Kinabalu, Malaysia.
Ayon naman kay Atty. Lourdes Mangaoang, chief ng BOC – Passenger Services, unang sinabi ni Hsiung na wala itong idedeklara ngunit kinalaunan ay umamin na may bitbit itong P1 milyon. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.