MALDITAS SA PSA FORUM

TAMPOK ang Philippine women’s football team na nag-qualify sa AFC Women’s Asian Cup sa susunod na taon, sa online edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes (Oct. 5).

Bibisita sina head coach Marlon Maro, assistant Rose Ton Barinan, at team captain Inna Palacios sa 11:00 a.m. session para talakayin ang kanilang paghahanda para sa January 20-February 6 event na gaganapin sa India, kung saan ang top five teams ay magkukuwalipika sa 2023 FIFA Women’s World Cup.

Nakakuha ang Malditas ng puwesto sa Asian Cup sa ikalawang sunod na taon makaraang pangunahan ang Group F ng katatapos na qualifiers na idinaos sa Tashkent, Uzbekistan.

Ang weekly public sports program ay itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Daily Tribune, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Hinihikayat ni PSA President Rey Lachica ng Tempo ang mga miyembro na makibahagi sa Forum sa pamamagitan ng PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation na naka-livestream ang session, at isini-share din ng Radyo Pilipinas 2 face-book page.

146 thoughts on “MALDITAS SA PSA FORUM”

Comments are closed.