MALI ANG INTINDI NI LENI KAY DIGONG

rey briones

HINDI ako sigurado kung talagang mahina ang pang-intindi ni Ma’am Leni Robredo sa mga pahayag ni Pangulong Duterte.

O, sinasadya n’yang maliin ang pag-intindi.

Dahil nga sa ‘di naman sila magkasangga.

At may pagkakataon pa ngang pakiwari ni Ma’am Leni ay iniinsulto siya ng pangulo.

Remember ‘yung “incompetent” issue na sinabi ni Boss Digong tungkol sa bise presidente?

Totoo man o hindi ay natural lang na masaktan si Ma’am Leni.

Kahit ba naging obyus, Suki, ang paniniwala ng presidente na kanyang bise dahil sa bira nitong ang…“40 kilos of rice multiply by 4 pesos equals P1,600.”

oOo

Balik tayo, Suki, sa resbak ng pangalawang pangulo sa presidente ng republika:

“Mali at mapanlinlang ang pahayag ng Presidente sa kanyang State of the Nation Address na naghihiwalay sa human rights at human lives.”

Si Ma’am Leni ‘yan, Suki.

Ratrat pa ng bise presidente na nagpahiwatig ng tunog intelihente:

“… The right to life is one of the basic human rights. We fight for human rights precisely because we value human lives.”

Hala! Hindi ko ma-gets si Ma’am, Suki.

Baka incompetent na ako, ha-ha-ha!

Bweno. Himayin natin, Suki, ang sobrang lalim yata na diskurso ni Ma’am Leni.

Hindi sa ipinagtatanggol ko ang presidente ng republika, ha, pero ang tanong ko lang sa hindi incompetent na bise presidente:

May sinabi po ba si Du30 sa kanyang SONA na magkaiba ang “rights” sa “lives” ng isang human?

Kasi, ang narinig ng aking “competent ears” ay parang ganito ang ibig sabihin ng pangulo:

“Yours is human rights… mine is human lives.”

Na hindi na kailangan maging competent ang isang nakikinig, Suki…

… Kundi sentido komun lang para unawain na ang ibig sabihin ng pangulo ng republika ay mas pra­yoridad n’yang agapan ang buhay ng mga inosenteng mamamayan, o  law-abiding pipol kaysa karapatang pantao ng mga kriminal.

Anong saysay ng human rights ‘pag nakahimlay na sa kabaong ang biktima ng karumal-dumal na krimeng gawa ng mga kriminal na kinakanlong ng mga nagpapakilalang human rights advocates?

Comments are closed.