SEOUL – MAAARI nang ituloy ng returning overseas Filipino workers (OFWs) ang paghahanapbuhay sa South Korea.
Ito ay nang aprubahan ito ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) sa Department of Health – Central Office ang pagbubukas ng South Korea sa mga foreign worker kasunod ng coronavirus disease (COVID-19) scare.
Bagaman maaari nang magbalik sa nasabing bansa ang mga OFW, sarado pa rin ang North Gyeonsang Province, Daegu City at Cheongdo County.
Bilin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang lahat ng mga Filipino na nagbabalak bumiyahe sa ibang bahagi ng South Korea ay kailangang lumagda ng declaration kung saan nakasaad na alam at nauunawaan nila ang panganib sa kanilang biyahe. EUNICE C.
Comments are closed.