APEKTADO na ng African Swine Fever (ASF) ang lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa National Capital Region (NCR).
Sa datos ng Bureau of Animal Industry (BAI), nasa 16 rehiyon ang nagtala ng mga kaso ng ASF, maliban sa Metro Manila dahil walang hog raisers sa rehiyon.
Nilinaw naman ng Department of Agriculture (DA) na hindi ito nangangahulugan na apektado ng ASF ang buong rehiyon.
Ayon kay DA Assistant Secretary Rex Estoperez, hindi naman lahat ng barangay o munisipalidad sa naturang mga rehiyon ay apektado ng ASF.
Kabilang sa mga lalawigan na ASF-free ay ang Batanes, La Union, Ilocos Sur, Quirino, Albay, Negros Occidental, Negros Oriental, Eastern Samar, Biliran, Bohol, Oriental Mindoro, Palawan, Romblon, Aklan, Antique, Misamis Oriental, at Bukidnon.
“That’s a viral infection kasi so talagang mabilis ‘yung pagkalat,” ani Estoperez. “We are trying our best to implement the protocol dun sa World Animal Health but it seems yung iba naman di nag re-report eh.”