MALIIT NA NEGOSYO AT ANG JUNK FOOD

rey briones

KAILANGAN ay malinaw, Suki.

Ang depinisyon ng “junk food.”

Kasi, apektado ang hanapbuhay ng maliliit na tindahan, kantina at karinderya sa school campus at maging sa paligid ng paaralan.

May dalawang lokal na pamahalaan, Suki, na nagpasa na ng ordinansang nagbabawal sa pagtinda ng “junk food” sa loob ng iskul.

At maging sa paligid-ligid nito na mayroon  50-100 metrong distansiya.

Na siyang dahilan kaya humirit ng paglilinaw ang mga negosyante sa eksaktong depinisyon ng “junk food.”

Ang hangad ng Philippine Chamber of Food Manufacturers ay mabigyan ng gabay ang maliliit na negosyante sa pagtugon sa ordinansa ng Lungsod Quezon at Pasig na nagbabawal sa pagtinda ng “junk food.”

Delikado kasing hayaan lang sa kapritso ng mga konsehal kung ano ang maging depi­nisyon nila sa “junk food.’

‘Tulad ng mga pagkain at inuming matatamis na ibinebenta sa loob ng school campus.

At sa mga tindahan, kantina at karinderya sa paligid ng eskuwelahan.

oOo

Sa buong bansa ay dapat may iisang pakahulugan lamang, o depinisyon, sa mga produkto na kung tawagin ay “junk food.”

At ang pagtukoy nito ay klarong obligasyon ng Department of Trade and Industry.

Maging ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan na nagpapasa ng ordinansa upang ipagbawal ang nasabing mga produkto sa mga iskul na kanilang nasasakupan.

Kung ang gobyerno nasyunal, partikular ang DTI, ay magkulang sa pag-ayuda sa gumagawa ng naturang mga produkto, pag-uugatan ito, Suki, ng panibagong antas ng korupsiyon.

Lalo na’t nalalapit ang halalang-lokal.

Na malamang ay sasamantalahin ng mga bugok na politiko upang gumawa ng pera.

Sa paanong paraan?

Aba’y kailangan sa pagpasa ng ordinansa ang public hearing, kaya ipapatawag nila ang manufacturers ng “junk food” in aid of election.

At siyempre pa, sa public hearing sa konseho ay didiinan ng mga talentadong politiko ang pansariling depinisyon ng “junk food.”

Alam na natin ang kasunod, Suki.

One thought on “MALIIT NA NEGOSYO AT ANG JUNK FOOD”

  1. 485195 878297Very good post. I previousally to spend alot of my time water skiing and watching sports. It was quite possible the most effective sequence of my past and your content material kind of reminded me of that period of my life. Cheers 56219

Comments are closed.