MULING ipinakita ng mga Pinoy ang kanilang pagiging malikhain sa Manila FAME na ginanap kamakailan lamang sa pamamagitan ng mga produktong pang-export ang kalidad sa World Trade Center Metro Manila. Bahagi ng show ay ang Gender Responsive Economic Actions for the Transformation of Women (GREAT Women Project 2), isang proyekto na pinondohan ng Government of Canada at pinangunahan ng Philippine Commission on Women (PCW) na nagla-layong pagbutihin ang economic empowerment ng mga kababaihan na micro entrepreneurs (WMEs) at kanilang mga manggagawa.
Misyon ng proyekto na pagbutihin ang pakikipagkompetensiya at pagpapanatili ng women’s micro enterprises at pagbutihin ang kalikasan para sa women’s economic empowerment.
Sa kasalukuyan, nakatuon ang proyekto sa mga maisusuot na produkto at mga gawang bahay na kalakip ang fashion, gifts at home products. Para ngayong buwan ng Abril na Manila FAME, ang GREAT Women Project 2 ay nakipagtrabaho sa fashion de-signer at milliner na si Mich Dulce para magturo sa 20 kababaihang negosyante at magbigay ng pananaw sa product design at de-velopment. Ang mga nakatutuwang produkto ay mga handmade fabric, handwoven bags at masusing dinisenyong pansuot sa paa at mga gawa sa kamay na aksesorya at pangdekorasyon sa tahanan.
Naniniwala ang GREAT Women Project 2 na sa pagkakaroon ng growth mindset, ang mga negosyanteng kababaihan ay puwe-deng magkaroon ng kanilang sariling daan sa pag-angat tungo sa tagumpay at kakayahan. Ipinagdiriwang ng proyekto ang kapa-sidad ng mga kababaihang negosyante at artisans mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na gawing sustainable ang mga produkto na hindi lamang nagpapakita ng kanilang pagiging malikhain kundi maipakita rin ang kanilang lakas at abilidad bilang babae.
Ang Manila FAME ay kinikilala na pinakamagaling na daan ng bansa para madiskubre ang disenyong Pinoy at pagkama-likhain.
Ang Manila FAME ay isa sa pinakamatagal na trade shows sa Asia-Pacific region at nag-iisang trade event sa bansa na aprubado ng Union des Foires Internationales (UFI), ang global association ng nangungunang trade show organizers at fairground owners, exhibition associations, at selected partners of the exhibition industry.
Ang Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM), ay siyang export promotion arm ng Department of Trade and Industry (DTI), na nag-oorganisa sa Manila FAME bilang signature event na nakatuon sa disenyong Pinoy.
Kung gustong malaman pa ang tungkol sa Manila FAME bisitahin ang www.manilafame.com. Para ma-katanggap ng show updates, sundan ang Manila FAME sa Facebook, Instagram at Twitter.
Comments are closed.