EXEMPTED na ang maliliit na magsasaka sa pag-iisyu ng resibo, ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sa isang statement, sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na saklaw ng exemption ang mga magsasaka
na ang annual gross sales ay hindi hihigit sa P1 million, alinsunod sa Revenue Regulation No. 12-2023.
Ang exemption ay para sa mga indibidwal na suppliers/producers/ sellers, contract growers, at millers ng agricultural food products.
“Small farmers do not need to issue receipts. The BIR will do its part in making the lives of our farmers easier.
The BIR will only require receipts if their annual gross sales/receipts exceed 1M,” ani Lumagui.
Inalis din ng BIR ang requirement ng principal at supplementary gross sales/ receipts para sa pagbebenta ng agricultural food products ng maliliit na magsasaka.
Ayon sa ahensiya, ang agricultural food products ay tumutukoy sa mga produkto sa kanilang original state na karaniwang ginagamit sa pagprodyus ng pagkain tulad ng farm produce, livestock, poultry, marine product, ordinary salt, at agricultural inputs.
Dagdag pa ng BIR, sakop din ng exemption ang mga produkto na sumailalim sa simpleng proseso ng paghahanda o pagpreserba.