MALILIIT NA NEGOSYO PALALAKASIN

MSMEs

APRUBADO na sa Kamara ang panukala para sa lalo pang pagpapalakas, pag-unlad at pagdami ng micro, small at medium enterprises (MSMEs) sa bansa.

Sa botong 212 ay naipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8714 na layong lalong palakasin ang financing programs ng MSMEs.

Paliwanag ng isa sa mga may-akda ng panukala na si Cagayan de Oro City Rep. Maximo Rodriguez, 62.8 porsiyento ng kabuuang trabaho sa lahat ng business establishments sa bansa noong 2014 ay mula sa MSME sector.

Sa nasabing bilang, 90.3 porsiyento ng total jobs ay mula sa micro enterprises, 9.3 porsiyento sa small enterprises at 0.4 porsiyento naman sa medi-um enterprises.

Sinabi ni Rodriguez na sa kabila ng kahalagahan ng MSME sa ekonomiya ng bansa ay malaking problema na kinakaharap ng mga ito ang kakulan-gan ng pinansiyal na suporta mula sa gob­yerno.

Sa ilalim ng panukala, binibigyang mandato ang gobyerno at mga kagawaran at tanggapan na maglaan ng 10 porsiyento mula sa procurement ng goods at services para sa financing programs ng MSMEs sa bansa.

Pinalalawig din ang membership sa Micro, Small and Medium Enterprises Development (MSMED) Council kung saan kasama na rito ang Finance Secretary.

Magkakaroon din ng Small Business (SB) Corporation na may 13 Board of Directors, kabilang dito ang presidente ng Government Service Insur-ance System (GSIS) at  presidente ng Social Security System (SSS). CONDE BATAC

Comments are closed.