MALING GAWI SA PAGMAMANEHO MADALING BAGUHIN

patnubay ng driver

GOOD DAY MGA KAPASADA!

May limang mahahalagang bagay ang ibabahagi ko sa inyo ngayon na makatutulong upang mapanatiling ligtas ang kahit na sino sa pagmamaneho. Alam naman natin mga kapasada na maraming maling gawi sa pagmamaneho ang kung minsan ay nagagawa ng isang driver. Ngunit ang mga pagkakamaling iyan ay madali lamang baguhan lalo na kung isasaisip at isasapuso.

Narito ang mga ilan sa dapat na tandaan kapag magmamaneho nang mapanatiling ligtas ang sarili, gayundin ang pasahero o mga taong nasa paligid:

LOOK FAR AHEAD. Bawat dryber ay dapat aware sa nangyayari sa kanyang paligid. Hindi lamang dapat ang malapitan ang tinitingnan nito kundi maging ang ma­layuan nang maging handa sa anumang problema sa daan o kalsada.

MAGKAROON NG ESCAPE PLAN. Para maging ligtas sa pagmamaneho, lubhang mahalaga ang magtaglay ka ng tinatawag na escape plan o kung paano makaiiwas sakaling may aksidente o problemang kahaharapin sa pagmamaneho.

Maaaring ikaw ang pinakamahusay na drayber sa inyong hanay, ngunit hindi tiyak kung ang mga ibang kagaya mong drayber ay may katulad na pag-iisip. Laging gugunitain na pasaway ang bumubuntot na drayber sa iyo.

WASTONG AGWAT O DISTANSIYA SA SINUSUNDAN. Aral ng defensive driving, a safe following distance is just important, if not more important than keeping a safe speed.

For some reason, it is human nature to hang out in packs and that is very evident with driving patterns.

Kung maaari, magbigay ng isa at kalaha­ting sasakyang agwat sa sinusundan upang kung magprenong bigla, you have enough time to step on your brake pedal.

IGALANG ANG SPEED LIMIT. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), lubhang napakahalaga para sa isang drayber na igalang at sundin ang speed limit kahit na tayo ay nagmamadali at naghahabol sa oras.

May mga kadahilanan kung bakit may nakalagay na mga speed limit signage sa mga lansangan. Kung medyo magpapabagal tayo sa pagmamaneho, we are less likely to be involved sa mga ‘di inaasahang traffic accident na ang end result ay pagluluksa ng mga kasambahay.

DRIVING-4LAGOM NG DEFENSIVE DRIVING ERRORS

Mga kapasada, pinagsikapan ng Patnubay ng Drayber na magsagawa ng ibayong pagsasaliksik upang magkaroon tayo kahit katamtaman man lamang na kaalaman sa mga kamaliang turo ng Defensive Driving upang nang sa gayon ay mailayo kayo sa kapahamakan samantalang kayo ay nasa paghahanapbuhay para sa sarili at pamilya.

Narito po ang ilan sa mga dapat nating iwasan upang manatiling ligtas sa kahit na anong kapahamakan:

1. Pagkakamali sa speed control:

a. Too fast for volume traffic.

b. Too fast for condition of road surface.

c. Too fast for condition of visibility.

d. Too fast for nature of neighborhood or roadside environment.

e. Too fast for street/highway layout and traffic signals at

f. Too slow for speed of traffic stream.

2. PAGKAKAMALI SA PAGGAMIT NG LINYA:

a. Pagkabigong pumili ng tamang lane.

b. Pagkabigong magmaneho sa middle of lane.

c. Biglang pagpapalit ng lane.

d. Paliko-likong takbo.

3. PAGKAKAMALI SA PAGLIKO:

a. Pagliko mula sa maling lane.

b. Pagkabigong pagbigyan ang oncoming traffic clear sa pagliko sa kaliwa.

c. Pagkabigo na mapagbigyan ang may karapatang lumiko sa kanan.

d. Matuling pagpapatakbo sa kurbada sa pagliko sa kanan at

e. Abrupt na pagliko sa madulas na road surface na dahilan ng skid.

4. PAGKAKAMALI SA PAGHINTO:

a. Pagkabigo na magsagawa ng mahinay at gradual stop.

b. Pagkabigo na huminto sa tamang oras.

c. Abrupt na pagpreno sa madulas na lansangan.

5. PAGKAKAMALI SA PAGBIBIGAY NG SIGNAL:

a. Pagkabigo na magbigay ng signal kung kailangan.

b. Huling pagbibigay ng signal.

c. Maling pagbibigay ng signal.

d. Pagkabigong bumusina kung kailangan.

e. Sobrang paggamit ng busina kahit hindi kailangan.

6. RUNNING ERRORS (MALING TULIN SA SPEED LIMIT):

a. ‘Di pagsunod sa legal na tuling itinakda ng batas trapiko.

b. Lubhang matuling pagpapatakbo sa hinihingi ng pagkakataon.

c. Lubhang nakatutok sa sinusundan (tailgaiting).

7. PAGLABAG SA PAGBAGTAS SA INTERSECTIONS:

a. Pagkabigong hu­minto sa right of way sa mga walang babalang intersection.

b. Beating the red light.

c. Pagpapatakbo ng matulin sa intersection.

d. Pagkabigong hu­minto sa oncoming traffic when making left turn at

e. Pagkabigong pagbigyan ang right of way ng mga pedestrian.

***kasangguni – DD LB***

DRIVING-5BAGSAK SA LTO DRIVING TEST MAGMUMULTA

Sakaling mapagtibay ang House Bill 505, gagawin na ring mandatory para sa mga bagong aplikante at magre-renew ng driver’s license ang pagdaan sa aktuwal na pagmamaneho at pag-upo sa mga “roadworthy driving seminar.”

Ang babagsak sa LTO driving test ay planong patawan ng Php500 hanggang Php1,000 bilang parusa.

Gusto ng isang mambabatas na maturuan ng disiplina ang mga nais magmaneho ng sasakyan, dahilan para magpanukala ng parusa sa mga hindi papasa sa hinihinging pagsusulit ng Land Tansportation Office (LTO).

Itinatadhana sa panukalang batas House Bill 505, kung ito ay mapapasa o mapagtitibay, gagawin na ring mandatory para sa mga bagong aplikante at magre-renew ng lisensya ang pagdaan sa aktuwal na pagmamaneho at pag-upo sa mga “roadworthy driving seminar.”

Sa isang pahayag, sinabi ni Congressman Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte 2nd district) na “we simply cannot allow our current traffic behavior to continue. We must choose to impose order, and the course improve the traffic system and economy.”

Ayon kay Rep. Barbers, “hindi maaaring hayaan ang kasalukuyang pag-uugali sa kalsada. Kailangan nating magpatupad ng kaayusan, at kalaunan, makumpuni ang sistema ng trapiko at ekonomiya.”

Sa ilalim ng katulad na panukalang batas na may caption “Roadworthy Driving Seminar for All Drivers Act,” kinikilala ang pagmamaneho bilang pribilehiyo at hindi karapatan.

Para sa kapakanang pang-edukasyon ng mga driver at nais maging driver, bibigyan sila ng mga pag-aaral sa :

a. Kaligtasan.

b. Pag-iwas sa aksidente.

c. Mga pamamaraan (technique) sa Defensive Driving.

d. Pagharap sa mga kritikal na situwasyon.

e. Leksiyon sa batas trapiko at

F. Kaalaman sa “first aid” at pagsakloLo.

Ilan sa mga kailangan (requirements) ukol dito ang mga sumusunod tulad ng:

1. Tatlong oras na pag-aaral kasama ang isang “certified instructor”

2. Tatlumpong (30) minutong pagmamaneho sa kalsada kasama ang isang test supervisor na susuri sa kaangkupan, kuwalipikasyon, kahandaan, abilidad at aktuwal na paglalapat ng mga natutuhan sa seminar.

Ang mga papasa ay pagkakalooban ng “Completion Certification” ang mga old and new participant.

Samantala, pagmumultahin naman ng Php500 hanggang Php1,000 penalty ang mga mamalasing makapasa sa pagsusulit na ibibigay.

Binigyang diin ni Rep. Barbers na, “Apart from constructing more public roads and highways and providing more options for the commuiting public, one straightforward solution to the traffic problem is to instill discipline and impart knowledge among mtororists.”

DRIVING-6KARANIWANG TRAFFIC VIOLATIONS

Ipinagunita ng Land Transportation Office sa pamamagitan ng “DRIVERS INFORMATION AND SAFETY GUIDE” ang ilan sa mga pangunahing karaniwang batas ng trapiko na halos araw-araw ay nilalabag ng mga drayber.

Kabilang sa mga ito ang:

1. Operating a motor vehicle recklessly or without reasonable caution.

2. Cutting in and out of the traffic lanes.

3. Cutting corners of blind curve.

4. Making a “U” turn on the approach or on top of a bridge o kahit saan na kahit hindi sa street intersection at

‘5. Pagkabigo na hu­minto sa pagpasok sa “thru stop street.”

LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang ang buhay ay bumuti. (photos mula sa aarp.org, 12news.com, defensivedriving.com)

HAPPY MOTORING!

Comments are closed.