Standings W L
CSB 2 0
Arellano 3 1
SSC-R 2 1
LPU 2 1
Perpetual 1 1
Letran 1 1
Mapua 1 2
San Beda 1 2
JRU 1 2
EAC 0 3
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – Perpetual vs CSB
3 p.m. – LPU vs EAC
TARGET ng College of Saint Benilde ang ikatlong sunod na panalo sa pagsagupa sa University of Perpetual Help System Dalta sa NCAA men’s basketball tournament ngayon sa Filoil EcoOil Centre.
Ang tanging koponan na walang talo matapos ang unang linggo ng kumpetisyon, ang Blazers ay nahaharap sa mabigat na laban kontra Altas sa alas-12 ng tanghali.
Sisikapin din ng Lyceum of the Philippines University na mahila ang kanilang winning run sa tatlong laro sa pagharap sa Emilio Aguinaldo College sa main game sa alas-3 ng hapon.
Magkasunod na tinalo ng CSB ang LPU at San Sebastian upang kunin ang solo lead.
Sa 100-94 panalo ng Blazers kontra Stags noong nakaraang Biyernes ay nagparamdam si Migs Oczon sa pagkamada ng 20 sa kanyang 25 points sa pivotal third quarter, habang naipagpatuloy ni Will Gozum ang kanyang consistent na laro.
Kasalukuyang tabla sa defending two-time champion Letran sa 1-1 sa fifth spot, umaasa ang Perpetual na makabawi mula sa 59-61 loss sa Arellano University noong Biyernes.
Nagposte si graduating forward Kim Aurin ng bagong career-high 27 points, subalit nahirapan ang main guns ng Altas na sina Rey Barcuma at Jielo Razon kontra Chiefs.
Sa likod nina veterans Enoch Valdez at Renzo Navarro at young guns Gyle Montaño, Shawn Umali, John Barba at Mac Guadaña, ang Pirates, kasalo ang Stags sa 2-1 sa third place, ay nasa magandang posisyon na makabawi makaraang mabigo na makalagpas sa eliminations noong nakaraang season.
Pinataob ng LPU ang Final Four contenders San Beda at Mapua upang makabawi mula sa kanilang season opening loss sa CSB.
The Pirates are wary of the Generals, who have yet to break into the three column in the first three games.