MALINIS NA KARTA ITATAYA NG LADY BLAZERS

Standings W L
Benilde 5 0
Perpetual 4 1
Mapua 4 1
Letran 3 1
Arellano 3 2
LPU 3 2
EAC 1 3
San Beda 1 4
SSC-R 0 5
JRU 0 5

Mga laro ngayon:
(San Andres Sports Complex)
9 a.m. – LPU vs EAC (Men)
12 noon – LPU vs EAC (Women)
2 p.m. – Benilde vs Mapua (Women)
4:30 p.m. – Benilde vs Mapua (Men)

PUNTIRYA ng defending champion College of Saint Benilde ang ika-6 na sunod na panalo sa pagharap sa Mapua sa NCAA women’s volleyball tournament ngayon sa San Andres Sports Complex.

Galing sa five-set victory sa kanilang huling laro, ang Lady Blazers ay walang planong magkampante kontra Lady Cardinals sa 2 p.m.match.

Umaasa ang Lyceum of the Philippines University na maibalik ang kanilang winning ways sa pakikipagtuos sa Emilio Aguinaldo College sa alas-12 ng tanghali

Ang Lady Blazers ay nanalo ng 16 sunod magmula noong nakaraang taom — at 23 kung bibilangin ang coronavirus-halted Season 95 – subalit ang kanilang streak ay nasubukan ng Lady Pirates noong nakaraang Sabado.

Sa kabutihang-palad, nag-step up sina Cloanne Mondoñedo, Jessa Dorog at last season’s Finals MVP Gayle Pascual para gapiin ng CSB ang LPU, 22-25, 25-16, 16-25, 25-13, 15-9, at manatiling walang talo.

Ang fourth league-leading scorer, si Pascual ang main option para punan ng Lady Blazers ang pagkawala ni last season’s MVP Mycah Go.

Nalulusutan naman ng Mapua, kasalukuyang tabla sa walang larong University of Perpetual Help System Dalta sa second place sa 4-1, ang five-setter matches.

Matapos matalo sa kanilang season opener sa Lady Pirates sa limang sets, ang Lady Cardinals ay nanalo sa kanilang huling tatlong laro na umabot sa limang sets. Sariwa mula sa come-from-behind 21-25, 19-25, 25-23, 25-21, 15-11 win kontra Arellano University noong Sabado, ang Mapua ay sasandal kina young guns Roxie dela Cruz at Hannah de Guzman laban sa Benilde side.