MALINIS NA KARTA ITATAYA NG PHOENIX

PHOENIX-5

Mga laro ngayon:

(Ynares Center-Antipolo)

4:30 p.m. – Blackwater vs Phoenix

7 p.m. –  San Miguel vs Rain or Shine

ITATAYA ng Phoenix ang walang dungis na marka at ang kapit sa liderato sa pakikipagtipan sa Blackwater sa PBA Philippine Cup ngayon sa Ynares Center sa Antipolo.

Haharapin ng Fuel Masters ang Elite sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon na  susundan ng sagupaan sa pagitan ng defending champion San Miguel Beer at ng Rain or Shine sa alas-7 ng gabi.

Pipilitin ng Phoenix na talunin ang Blackwater upang mapanatili ang malinis na record at pigilin ang puntirya na back-to-back wins ng Elite matapos pulbusin ang Elasto Painters, 111-99, noong nakaraang Miyerkoles.

“We have to win this game at all cost to preserve our clean record,” sabi ni Phoenix coach Louie Alas na target ang unang PBA crown.

“Blackwater is in high spirit and determined to follow up its win against RoS. We have to be physically and mentally prepared against them,” wika ni Alas.

Muling sasandal si Alas sa kanyang top gunners na sina Calvin Abueva, Matthew Wright, Jason Perkins, Justine Chua, LA Revilla, JC Intal, Dough Kramer, at RJ Jazul.

Itatapat naman ng Elite sina Michael Vincent Digregorio, Abu Tratter, Rey Mark Belo, Allein Maliksi,. Roi Sumang, Mike Cortez at rookie Paul Desiderio.

Pinapaboran ang Beermen kontra Elasto Painters na mababa ang morale matapos yumuko sa Elite.

Pangungunahan ang opensiba ng SMB nina Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Chris Ross, Arwind Santos at five-time MVP June Mar Fajardo, katuwang sina Christian Starhardinger, Paul Zamar, Billy Mamaril, Terrence Romeo at Kelly Nabong.

Puntirya ng Beermen ang ika-3 sunod na panalo at papasok sa court na galing sa 105-93 pagdispatsa sa Me­ralco.

Sasandal naman si RoS coach Caloy Garcia kina Maverick Ahanmisi, James Yap, Beau Belga, Ed Daquioag, Mark Anthony Borboran, Norbert Torres at rookie Jayvee Mocon. CLYDE MARIANO

Comments are closed.