MALINIS NA MARKA ITATAYA NG HOTSHOTS VS ROAD WARRIORS

Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)

4 p.m. – NorthPort vs TNT

8 p.m. – NLEX vs Magnolia

SISIKAPIN ng Magnolia Hotshots na mapanatili ang kanilang perfect run sa pagharap sa NLEX Road Warriors na ipaparada ang kanilang bagong import ngayong Biyernes sa PhilSports Arena.

Ang nag-iisang unbeaten team sa PBA Season 48 Commissioner’s Cup, target ng Hotshots ang win No. 5 habang hangad ng Road Warriors ang matagumpay na unang  outing kasama si Stokley Chaffee Jr., isang 26-year-old stud mula sa Tennessee State.

Pinalitan si Thomas Robinson na dinala ang Road Warriors sa 2-2 record, dadalhin ni Chaffee ang kanyang mayamang international basketball experience sa kanyang tours of duty sa Cyprus at Finland.

Pinangunahan ni Robinson ang panalo ng NLEX kontra San Miguel Beer at NorthPort.

“Thomas Robinson’s departure from the NLEX Road Warriors was a difficult but necessary decision. We value discipline, commitment and teamwork, and unfortunately, his taking an unplanned vacation, and skipping team practices, compromised these principles,” sabi ni team manager Larry Fonacier.

Si Robinson ay nagbakasyon sa Boracay matapos ang verbal clash kina NorthPort governor Erick Arejola at team manager Pido Jarencio noong nakaraang Nov. 22.

“The team’s success depends on a collective effort and a shared commitment, and we will continue to uphol;d these standards as we forge ahead in the season,” ani Fonacier.

Si Chaffee ay nakapag-ensayo ng tatlong araw sa Road Warriors magmula nang dumating sa bansa noong Lunes.

“I’m really happy and excited. It’s something new for me. I wouldn’t say it’s pressure, but rather high expectatioopns. There are expectations from me not only on the court but also off the court, and obviously, to win. I hope I can meet those expectations,” wika ni Chaffee. Gayunman, si Chaffee ay agad na mapapalaban kay Magnolia’s Tyler Bey, isa sa best performing imports sa torneo sa kasalukuyan.

Si Bey ay may averages na 29.3 points, 14.7 rebounds at 2.3 assists, ang kanyang pinakahuling showing ay 31 markers at 10 boards sa kanilang 93-91 panalo kontra   Barangay Ginebra Kings sa kanilang Manila Clasico tiff noong Nob. 19.  

CLYDE MARIANO