Standings W L
UST 4 0
DLSU 4 1
NU 4 1
AdU 2 2
FEU 2 3
Ateneo 1 3
UE 1 4
UP 0 4
Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
10 a.m. – UST vs Ateneo (Men)
12 noon – AdU vs FEU (Men)
2 p.m. – UST vs Ateneo (Women)
4 p.m. – AdU vs FEU (Women)
SISIKAPIN ng University of Santo Tomas na mahila ang kanilang perfect run sa limang laro sa pagharap sa Ateneo, habang magsasalpukan ang Adamson at Far Eastern University para sa fourth spot sa UAAP women’s volleyball tournament ngayong Sabado sa Mall of Asia Arena.
Walang planong magkampante ang Tigresses, na nasa kanilang pinakamagandang simula magmula nang magwagi sa kanilang unang anim na laro sa 2010-11 season, laban sa Blue Eagles sa 2 p.m. match.
“Actually, ang mentality talaga na ini-instill namin sa kanila is kung sino mang kalaban na nandyan, ilalaban namin yung laro,” sabi ni UST coach Kungfu Reyes.
“‘Yung every game, every point na ilalaban namin may possibility na manalo, so yung discipline namin and determination, paulit ulit namin sinasabi yun,” dagdag pa niya.
Ang Ateneo, nasa ika-6 na puwesto na may 1-3 kartada, ay galing sa 12-25, 22-25, 19-25 loss sa defending champion La Salle noong nakaraang linggo.
Magsasagupa ang Lady Falcons at Lady Tamaraws, nasa fourth at fifth spots na may 2-2 at 2-3 records, ayon sa pagkakasunod, sa alas-4 ng hapon, kung saan ang magwawagi ay aakyat sa upper half ng standings.
Ang Lady Tamaraws ay galing sa back-to-back losses sa mga kamay ng Tigresses at Lady Bulldogs.
Haharapin ng FEU ang isa pang mabigat na kalaban sa katauhan ng Adamson, ang third placers noong nakaraang season, na galing sa 25-19, 25-19, 26-28, 29-27 panalo kontra University of the East.
“They are a very good team,” sabi ni Lady Falcons coach JP Yude patungkol sa Lady Tamaraws. “But we must do our job for them talaga so that hindi kami mangangapa na kalaban namin sila.
“We must work hard for it pag kalaban namin sila. We have five days preparation so we must work for it para ready kami sa laban namin sa kanila,” dagdag ng newly-minted UAAP high school girls volleyball champion mentor.