SINIGURO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging malinis ang darating na halalan sa ilalim ng kanyang administrasyon na gaganapin naman sa susunod na taon.
Anang Pangulo, ngayong papalapit na ang halalan at habang nakaupo siya bilang Pangulo ng bansa ay kailangang maging malinis ang halalan para sa oposisyon, sa kanyang mga kaalyado at lalong-lalo na para sa mamamayan.
Paliwanag ni Pangulong Duterte, hindi siya makapapayag na magkaroon ng anumang uri ng dayaan sa halalan at ipaglalaban niya ito.
Kaya’t inatasan nito ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police (PNP) na tiyakin na walang mangyayaring dayaan sa 2019 midterm elections.
Samantala, binigyang-diin ng Pangulo na ipagbabawal na niya sa mga mayor sa buong bansa at mga pulis na magdala ng mga armalite o mga assault weapons at lilimitahan nito ng hanggang dalawang security lang ang local chief executives.
At kung hindi susunod ang mga ito, ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang haharap sa kanila.
Comments are closed.